Important Notice:

IMPORTANT NOTICE:
This blog has been created to help customers discover more information about products which they are interested in purchasing.
Please note: You cannot order directly on this blog. To enquire about prices or to place an order use the contact form on the right side of this screen (just type in your name and email address, copy and paste the title of the product with the quantity, and click "Send"). It's easy to contact us!

Petersham Bible Book & Tract Depot is based in Sydney, Australia. We do not publish or produce any of the products ourselves but source them from elsewhere.

If you are contacting me from outside of Australia, especially from North America or UK/Europe,
it most likely would be more convenient and cheaper for you to contact the publisher of the products directly.

Monday, 25 May 2015

Believe It! (Tagalog)



Salvation explained simply from the Scriptures.
 
Full text of tract:
Maaaring ang mga salitang ito ay paniwalaan mo o hindi. Gayon man, ang iyong paniniwala at di paniniwala ay hindi makapag-aalis ng katotohanan tungkol dito, subali’t ang iyong paniniwala at di paniniwala ay magkakabisa sa iyong buhay ngayon at sa walang hanggan.
ANG KAHALAGAHAN NITO SA IYONG BUHAY AY NASA MABUTING PAGBASA PAGTIWALAAN ANG SALITANG ITO: Sinabi ng Biblia na ang tao sa kanyang likas ay:
1. NAWALA! “Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” Lucas 19:10
2. NAGKASALA! “Ano nga! tayo baga’y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka’t ating kapuwa isinakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasailalim ng kasalanan” Roma 3:9 “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” Roma 3:23
3. HINATULAN! “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios” Juan 3:18
4. PATAY! “At kayo’y binuhay niya, nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” Efeso 2:1 “Datapuwa’t ang nagpapakabuyo sa kalayawan, bagama’t buhay ay patay” I Tim. 5:6
PAGTIWALAAN ANG SALITANG ITO: Si Cristo lamang ang maaaring:
1. MAGLIGTAS SA IYO! “Sinabi sa kaniya Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” Juan 14:6 “Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan” Juan 10:9
2. MAKAPAG—IINGAT SA IYO! “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin: At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, hindi sila aagawin ng sinomang sa aking kamay” Juan 10:27,28
3. MAKAPAGBIBIGAY KASIYAHAN SA IYO! “Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti” Mga Awit 34:8 “Sapagka’t ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: Ang Panginoo’y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid” Mga Awit 84:11 “Ako’y naging bata, at ngayo’y matanda; Gayon ma’y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, Ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay” Mga Awit 37:25
PANIWALAAN MO ITO:
Mayroong Dako Ng Ka1igayahan (Sa Piling Ng Dios) Na Makakamtan At Mayroong Dako Ng Kaparusahan (Sa Impierno) Na Dapat Iwasan. “ANG SUMASAMPALATAYA sa kaniya ay hindi hinahatulan; ANG HINDI SUMASAMPALATAYA ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios” Juan 3:18 “ANG SUMASAMPALATAYA sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ANG HINDI SUMASAMPALATAYA sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya” Juan 3:36 “Sapagka’t gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanhbutan na kaniyang ibinigay ang kanyang bugtong na Anak upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” Juan 3:16


4 pages.
Size: 84 x 140mm
Evangelical Tract Distributors

#ETDTLAB19  

No comments:

Post a Comment